Sunday, May 5, 2024

DOH: Mahigit 2 milyong Pilipino target mabakunahan kontra tigdas

- Advertisement -

Target mabakunahan ng DOH o Department of Health ang mahigit dalawang milyong Pilipino kontra tigdas.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nais ng DOH na mabakunahan kontra tigdas 2.6 milyong adults o matatanda sa Pilipinas.

Paliwanag ni Duque, hindi lamang mga kabataan ang dapat i-prayoridad sa mga vaccination program dahil maari ring maapektuhan ng tigdas ang mga matatanda.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Duque na plano rin ng DOH na mabakunahan ang dalawang milyong batang nasa anim na buwang gulang hanggang apat na taong gulang.

Batay sa pinaka huling tala ng DOH, pumalo na sa 11,459 ang bilang ng kaso ng tigdas sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img