PCOO inilunsad ang website para sa mga impormasyon, updates ukol sa COVID-19

0
13

Inilunsad na ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang isang web portal na maaring ma-access ng publiko para sa mga impormasyong may kinalaman sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Princess Pebble Duque, direktor ng Bureau of Communications Services, target ng hakbang na ito na matigil na ang pagkalat ng fake news na nagdudulot ng takot sa publiko.

Ang naturang portal ang pagkukuhanan ng impormasyon ng Phil. News Agency, at Phil. Information Agency.

Ito rin ang magsisilbing platform kung saan ilalabas ng gobyerno ang mga document orders, joint memorandum circulars at iba pang mga abiso hinggil sa COVID-19.

Makikita rin sa portal ang heat map, o yung mga lugar kung saan may naitalang kaso ng COVID-19.