OVP magbibigay ng libreng dormitory para sa mga frontliners ng COVID-19

0
15

Inianunsiyo na ng Office Of The Vice President (OVP) na magbibigay sila ng libreng dormitoryo para sa frontliners ng coronavirus disease (COVID-19), sa harap ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Sa isang facebook post, inihayag ng OVP na bukas para sa mga health workers, medical practitioners, at iba pang frontliners gaya ng security guards, at iba pang volunteers sa kampanya kontra COVID-19 ang naturang dormitoryo.

Ang mga dormitoryo ay matatagpuan sa Cubao, Quezon City katuwang ang Rotary Club of San Juan Belmonte at spouses of Rotary Club San Juan North.

Nilinaw ng OVP na ang magiging accommodation sa mga naturang dormitoryo ay ‘first-come, first served-basis.’

Para naman sa mga magnanais na makapagpa-reserve ng slot accommodation sa naturang dormitoryo, dapat na makipag-ugnayan sa numerong 0998 591 7408 at hanapin ang kanilang contact person na si Andrea.