Ilang mga casino sa bansa nagbigay tulong na din kontra COVID-19

0
17

Nagpaabot na rin ng ayuda ang ilang mga kilalang casino sa bansa upang matugunan ang matinding pangangailangan ng bansa sa banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Philippine Amusement And Gaming Corp. (PAGCOR), apat na mga entertainment city casinos na ang nangakong magbibigay ng personal protective equipment (PPE) sa mga health workers.

Mabibigay rin umano ang mga ito ng pagkain at medical supply sa mga local government unit (LGU).

Sa pahayag ng PAGCOR, aabot sa P200-M ang kabuuang halaga na ipaaabot ng Solaire Resort and Casino, Okada Manila, Resorts World Manila, at City of Dreams Manila para malabanan ng pamahalaan ang banta ng COVID-19.