PCG nakaalerto na sa mga lalawigang apektado ng bagyong ‘Ramon’

0
17

Naka alerto na ang Philippine Coast Guard o PCG sa mga karagatang sakop ng mga lalawigang apektado ng bagyong ‘Ramon’.

Ayon kay Capt. Armand Balilo, naka alerto na ang lahat ng kanilang units sa Eastern at Northern Samar gayundin sa Bicol Region.

Muling pinaalalahanan ng Coast Guard ang mga may ari at operator ng lahat ng sasakyang pandagat na bawal pumalaot sa mga lugar na nasa mayroong typhoon signal.