VP Robredo malabo pang makasama sa susunod na cabinet meeting — Go

0
15

Malabo pang makasama sa susunod na cabinet meeting si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Senador Bong Go, hindi pa naman nakakapag usap si Pangulong Rodrigo Duterte at Robredo mula nang tanggapin nito ang pagiging co chairman ng ICAD.

Sinabi ni Go na may nauna nang pahayag ang pangulo na siya mismo ang mag iimbita kay Robredo upang pag usapan ang eksaktong trabaho nito bilang co chairman ng ICAD.

Sa ngayon anya ay wala pang planong isama sa susunod na cabinet meeting si Robredo maliban kung kasama sa agenda ang illegal drugs.

Kalimitang ginaganap ang cabinet meeting tuwing unang linggo ng buwan.