Kredibilidad ni alyas ‘Bikoy’ kinuwestiyon ng Malakanyang

0
48

Kinuwestiyon ng Palasyo ng Malacañang ang kredibilidad ni Peter Joemel Advincula, ang lalaking lumantad at nagpakilala bilang si alyas ‘Bikoy’ sa serye ng video na tinaguriang “Ang Totoong Narcolist”.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kaduda-duda ang mga ibinigay na impormasyon ni Advincula lalo na’t mayroon itong “criminal background.”

Ayon kay Panelo, taong 2012 ng makulong si Advincula dahil sa kasong Large Scale Estafa.

Aniya, dapat na masusing imbestigahan ng mga otoridad ang mga alegasyon nito lalo na’t maraming beses nang napatunayan na walang katotohanan ang mga akusasyon nito laban kina dating special assistant to the president Bong Go, at dating Davao City vice mayor Paolo Duterte.

Samantala, tiniyak naman ni Panelo na magiging patas ang mga otoridad sa isasagawa nitong imbestigasyon kay Advincula.