Pasay gov’t nagbabala ukol sa mga hindi otorisadong advertisement solicitation para sa Pasay Day

0
16

Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Pasay City sa mga naglipanang hindi otorisadong advertisement solicitation para sa gaganaping Pasay Day ngayong taon.

Ayon kay Pasay City Administrator Attorney Dennus Acorda, nakatatanggap sila ng mga ulat hinggil sa mga nagso-solicit para sa 156th foundation day ng lungsod.

Sakaling makatanggap ng mga hindi otorisadong solicitation ay agad itong ipagbigay alam sa Office of the City Administrator.

Samantala, idineklarang special non-working holiday ang Disyembre 2 sa lungsod ng Pasay.