Halos P45-M halaga ng pagpapagawa sa cauldron na gagamitin sa SEA Games ikinagulat ng PSC

0
12

Ikinagulat ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ulat na aabot sa halos 45 milyong piso ang ginastos sa gagamiting cauldron ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay PSC Chairman Butch Ramirez, nalula siya nang malamang ganung kalaki ang ginastos ng pamahalaan para sa cauldron.

Aniya, hindi nila alam na ganung kamahal ang ginastos at hindi rin nila alam na ito ay magiging issue.

Sa ngayon ay ipinauubaya na lamang ng ahensya sa Commission on Audit ang paghusga hinggil dito.