Jones Bridge pansamantalang isasara sa Linggo, Nobyembre 24, 2019

0
12

Pansamantalang isasara ang Jones Bridge sa Maynila sa Linggo, Nobyembre 24.

Ayon sa abisong inilabas ng Manila PIO o Public Information Office, magsisimula ang closure sa ganap na alas 3:00 ng hapon.

Naglabas din ng mga alternatibong ruta ang PIO.

Para sa mga sasakyang papunta ng Divisoria, maaaring dumaan sa McArthur Bridge papuntang Santa Cruz Church, mag u-turn sa Plaza Sta. Cruz, dumiretso sa Dasmarinas Street at Quintin Paredes Street.

Samantala, maaring dumaan ang mga sasakyang papunta sa Taft Avenue at P. Burgos, Roxas Boulevard sa Juan Luna Street patungo sa Muelle Dela Industria Riverside, pumunta sa Sta. Crus Area at dumeretso sa destinasyon.