Paraan ng pagkuha ng unemployment data ng gobyerno kinuwestyon

0
80

Kuwestyonable para sa Alliance of Labor Unions- Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang pamamaraan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagkuha ng datos para sa bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Ayon kay Allan Tanjusay, Spokesman ng ALU-TUCP, kakatuwa ang halimbawa ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi dapat isama sa bilang ng mga walang trabaho ang mga kusang loob na nagbitiw tulad ng isang nanay na mas nais na lamang tutukan ang kanyang pamilya.

Binigyang diin ni Tanjusay na sa simpleng salita lamang ay mailalarawan na ng malinaw ang unemployment rate sa bansa.

Una rito, lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na tumaas ang unemployment rate na kinontra naman agad ng DOLE.

“Sa sukatan naman ng SWS kapag wala kang trabaho at wala kang income unemployed ka talaga, kasi ang DOLE ang sabi nila halimbawa ako wala akong trabaho pero naghahanap ako ng trabaho ang tawag sa akin ay employed hindi ako unemployed ganun ang definition ng Philippine Statistics Authority sa tulong na rin ng DOLE para hindi makitang lumalala ang unemployment situation sa bansa.” Pahayag ni Tanjusay

—-