Pangulong Duterte no comment muna sa Balangiga bells

0
49

No comment muna si Pangulong Rodrigo Duterte sa nakatakdang pagbabalik ng Estados Unidos ng Balangiga bells.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magbibigay na lamang sila ng pahayag kapag nandito na mismo ang tatlong kampana ng Balangiga.

Inaasahan ngayong buwan kasi ay maibabalik na ang 2 Balangiga bells mula sa Amerika habang ang isa ay nasa US museum sa South Korea.

Matatandaang ang pagbabalik ng Balangiga bells sa Pilipinas ay kabilang sa iginiit ng Pangulo sa ikalawang State of the Nation Address o SONA nito.

—-