33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

P50,000 bayad sa pamilya ng mga batang naturukan ng Dengvaxia ibinunyag

- Advertisement -

Nabunyag na binabayaran ng Department of Health (DOH) ng limampung libong piso (P50,000) ang pamilya ng mga namatay na batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Ayon kay Atty. Persida Acosta, hepe ng Public Attorneys’ Office (PAO), dokumentado ang pagpapapirma ng DOH sa pamilya ng mga namatay na bata.

Ibinunyag rin ni Acosta na mayroong sariling autopsy team si Health Secretary Francisco Duque III para sa mga namatay na bata.

“Dokumentado po ‘yung order ni Secretary Duque na bigyan ng P50,000 bawat namamatay na na-Dengvaxia, nabigyan po kami ng kopya ng mga taga-DOH rin na nagmamalasakit sa mga biktima, bukod diyan meron pa siyang sariling defense autopsy team na taga-DOH di umano, ‘yung iba nga raw chinap-chop pa nila ang mga lamang loob ng mga namatay na bata eh, nagreklamo po ang mga magulang at ‘yun binawi.” Ani Acosta

Iginiit ni Acosta na dapat ilabas na lamang ni Duque ang masterlist ng mga nabakunahan ng Dengvaxia upang makatulong maging ang mga local government units sa pagmomonitor sa mga bata.

Sa ngayon aniya ay umabot na sa isandaang (100) bata ang na-awtopsiya ng PAO forensic expert at lahat sila ay nakitaan ng pagdurugo ng laman loob at utak.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -