Tuesday, April 30, 2024

Papua New Guinea, pinayuhan ni Pangulong Duterte sa kanilang mga lupain

- Advertisement -

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga  lider ng Papua New Guinea na huwag magpasilaw sa malalaking halaga na iniaalok ng mga multinational company para mapasakanilang kamay ang ilang lupain doon.

Ginawa ng pangulo ang pahayag dahil sa paniniwala nitong may kakayahan ang Papua New Guinea na mapagyabong ang kanyang angking yaman pagdating sa produktong pang-agrikulutura.

Sinabi ni Pangulong Duterte na nagsisimula nang pumalo ang agriculture development ng Papua New Guinea kaya’t sana lang ay huwag pasilaw sa posibleng malalaking alok ng mga kumpanya na magkaka interes ng kanilang pag-aaring lupa.

Giit ng pangulo, isang ideal land area ang Papua New Guinea para sa palay cultivation.

Dagdag pa nito na banta ang multinational na mga kumpanya sa food crop production ng naturang bansa kung makukuha lamang ng mga ito ang mga lupain doon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img