Pangulong Duterte, hindi dumalo sa ‘gala dinner’ ng APEC Summit

0
52

Hindi na dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gala dinner ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit matapos na makipagdayalogo sa mga prominenteng business leaders ng Asia-Pacific region sa Papua New Guinea.

Base sa impormasyon, tanging si Deparment of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na lamang ang dumalo sa gala dinner at wala na si Pangulong Duterte.

Dahil dito, hindi na umano nakasama ang pangulo sa “family picture” ng mga world leaders ng 2018 APEC Summit.

Una nang napaulat na hindi kukumpletuhin ng pangulo ang pagdalo sa APEC event sa Papua New Guinea.