Tuesday, April 30, 2024

Isang opisyal ng gobyerno, nakatakdang sibakin ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Namimiligro na namang masibak sa pwesto ang isang opisyal ng gobyerno.

Ito ay kasunod ng naging anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na may sisibakin ulit syang opisyal ng gobyerno dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Ayon kay Pangulong Duterte, gagawin nya ang pagpapatalsik sa hindi nito pinangalanang opisyal sa kanyang pagbabalik ng bansa mula sa kanyang dinaluhang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Papua New Guinea.

Matatandaang, una nang inihayag ng Malacañang na hindi na dadaluhan ng pangulo ang lahat ng naka-takda nitong aktibidad  sa APEC Summit bagkus inatasan na lamang nito si Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na maging kanyang representante sa mga naturang event.

Samantala, ngayong araw inaasahang magbabalik ng bansa si Pangulong Duterte mula sa Papua New Guinea.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img