Saturday, May 4, 2024

Paperless Transactions isinusulong sa Kamara

- Advertisement -

Isinusulong ngayon sa mababang kapulungan ng Kongreso na gawin nang “Paperless” ang lahat ng transaksyon sa kanilang mga tanggapan

Ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Cavite Rep. Crispin “Boying” Remulla, layon nitong mabawasan ang gastusin ng Kamara sa papel at sa halip gawin na lamang digital ang proseso ng kanilang mga transaksyon

Aniya, aabot sa mahigit 9 na milyong piso kada taon ang ginagastos ng Kamara para lamang sa papel kaya’t kaniyang isinusulong na gawin na lamang ang mga transaksyon sa pamamagitan ng Tablet

Sa ganitong paraan aniya, aabot lamang sa 6 na milyong piso ang gagastusin kung bibili na lamang sila ng Tablet para sa 300 daang mambabatas na nagkakahalaga ng 20 libong piso ang bawat isa

Sakaling maaprubahan, Target ng Kamara na mabawasan o di kaya’t maalis na ng tuluyan ang paggamit ng papel pagsapit ng Disyembre ng taong kasalukuyan

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img