30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Paglalagay ng Trashboom sa Manila Bay ikinakasa na – DENR

- Advertisement -

Target ng DENR o Department of Environment and Natural Resources na maglagay dalawa’t kalahating kilometrong Trashboom sa bahagi ng Baywalk sa kahabaan ng Manila Bay

Ito’y ayon kay Environment Usec. Benny Antiporda ay upang maipon ang mga humaharang na basura sa Manila Bay para malinis ang bahaging iyon ng dagat

Binigyang diin pa ni Antiporda, tuluy-tuloy ang ginagawa nilang Rehabilitasyon sa tinaguriang Sunset Paradise of the Metropolis

Inuuna nila sa ngayon ay ang paglilinis ng mga Estero at Ilog upang hindi na dumiretso sa Manila Bay ang mga basurang nagmumula sa iba pang mga lugar sa Metro Manila

Aabot sa mahigit 2 Bilyong pisong pondo ang inilaan ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa Rehabilitasyon ng Manila Bay

Gagamitin ang pondong ito para sa Dredging, pagsasaayos ng mga Pozo Negro gayundin ang paglilipat sa mga iligal na nakatira sa tabi ng Ilog at Estero

Sa kasalukuyan, sinabi ni Antiporda na aabot sa 52 libo ang Colliform Level ng Manila Bay na mas mababa mula sa dating 1.3 Billion Colliform Level bago magsimula ang Rehabilitasyon

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -