Paolo Duterte nagbabalak na ring tumakbo bilang House Speaker

0
44

Nagbabalak na ring tumakbo sa House speakership race si Davao Cong. Paolo Duterte.

Ayon kay Pulong, wala siyang interes maging House speaker subalit nagbago ang kanyang isip nang makita ang masigasig na pagsusulong ni Cong. Allan Peter Cayetano sa term sharing.

Sinabi ni Duterte na posibleng makatulong siya para mapag isa ang Kamara na ngayon anya ay nahahati sa mga paksyon.

Pare pareho naman anya silang ibinoto ng mga tao kayat pwede na ring isama sa term sharing ang lahat ng grupo na kinabibilangan ng mga partylist groups.