Water level sa Angat Dam patuloy na tumataas

0
44

Patuloy sa pagtaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam kasunod ng mga pag-ulan nitong nakalipas na mga araw dahil sa habagat.

Ayon sa PAGASA Hydrometeorology, naitala ang 160.29 meter na lebel ng tubig kaninang alas-6 ng umaga.

Mas mataas ito sa 159.85 meters na lebel kahapon ngunit nananatili pa rin ito sa critical level.

Samantala, tumaas naman ang lebel ng La Mesa Dam sa 72.23 meters habang bumaba naman ang lebel ng Pantabangan Dam sa 191.71 meters at Magat Dam sa 181.42 meters.