3 patay 30 sugatan sa salpukan ng bus at truck sa Atimonan, Quezon

0
46

Patay ang tatlo katao habang hindi naman bababa sa 30 ang sugatan matapos magbanggaan ang isang trak at pampasaherong bus sa Barangay Santa Catalina sa Atimonan, Quezon kagabi.

Ayon kay Atimonan Police Chief Michael Encio, kabilang sa mga nasawi ang driver at pahinante ng bus at isang hindi pa nakikilalang pasahero.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nag-over take at overloaded ang AMV Travel and Tours Bus dahilan kaya’t sumalpok ito sa kasalubong nitong 10 wheeler truck.

Nabatid naman na papuntang Bicol ang naturang bus habang galing naman sa Maynila ang nakabanggaan nitong truck.