Saturday, May 18, 2024

Chinese President Xi Jinping kinasuhan sa ICC

- Advertisement -

Kinasuhan ng mga dating opisyal ng Aquino administration si Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court o ICC.

Ito’y kaugnay sa ginagawa umanong pagsakop ng China sa teritoryong sakop ng bansa.

Kabilang sa nagsampa ng kaso sina dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario at dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Giit nina Del Rosario at Morales, kanilang ginawa ang hakbang para maipagtanggol ang libu-libong Pinoy fishermen na inaalisan ng karapatan para mangisda sa West Philippine Sea.

Naniniwala anila ang mga dating opisyal na tanging ang ICC lamang ang makakapagbigay ng hustisya sa mga Pinoy dahil sa hindi inaaksyunan ng pamahalaan ang nasabing usapin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -