Thursday, May 2, 2024

Panuntunan sa pagbubukas muli ng construction sector inilatag na ng DPWH

- Advertisement -

Inilatag na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga panuntunan para sa pagbubukas muli ng construction sector.

Ayon kay Anna Mae Lamentillo, chairperson ng Build Build Build Committee ng DPWH, maliban sa pagtatayo ng quarantine at isolation facilities, papayagan na rin ang pagpapatuloy ng paggawa sa mga flood control projects at iba pang proyektong pananggalang sa kalamidad kahit sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sisimulan na rin anya ang pagsasa ayos ng mga kalsada bilang paghahanda sa pagbubukas muli ng ekonomiya.

Pinapayagan na rin po natin ‘yung mga essential public and private construction projects which are not limited to, ‘yung sigurado po tayo ‘yung sewerage project, water services, digital works, health facilities, priority projects and other contruction projects na related po sa basic human needs,” ani Lamentillo.

Gayunman, ang lahat anya ng kasama sa construction ay kailangang manatili sa construction site at hindi puwedeng mag-uwian sa kani-kanilang mga bahay.

Mayroon din dapat nakalatag na safety protocols tulad ng pagkuha ng temperatura, dapat nakasuot ng facemask at dapat ring obserbahan ang social distancing.

Tiniyak ni Lamentillo na masusunod ang mga panuntunan sa paggawa tulad ng pagbibigay ng hazzard pay sa mga manggagawa.

Meron po tayong tinatawag na safety officer. We’re assuring na apgpasok nila sa construction site, you are COVID-free,” ani Lamentillo. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img