Sunday, May 5, 2024

Panukalang pagtatag ng Department of Water Resources aabot ng P2-B

- Advertisement -

Tinatayang aabot sa P2-B ang kakailanganin sa pagtatatag ng panukalang Department of Water Resources.

Ayon kay Albay Representative Joey Salceda, ang pagtatatag ng naturang kagawaran ay para masiguro ang wastong pamamahala at paghahatid ng serbisyo ng tubig sa bansa.

Dagdag pa rito, magiging pangunahing organisasyon ng naturang departamento ang National Water Resources Board (NWRB).

Magsisilbi namang kaakibat nito ang mga ahensya ng Metro Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS), Local Water Utilities Administration (LWUA) at maging ang National Irrigation Administration (NIA).

Samantala, matatandaang nakalusot na sa committee level ng mamabang kapulungan ng kongreso ang naturang panukala.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img