Mga empleyado ng nabuwag na PPRC tiniyak na bibigyan ng trabaho — DENR

0
10

Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kanilang hahanapan ng trabaho ang ilang empleyado ng Pasig River Rehabilitation Commission (PPRC).

Ito ay kasunod ng pag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubuwag sa naturang ahensya kailan lamang.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, handa rin silang tanggapin sa kanilang ahensya ang ilang empleyado ng PRRC dahil prayoridad anila ang mga kapakanan nito.

Gayunman, kailangan parin ng mga ito na muling magpasa ng kani-kanilang aplikasyon batay narin sa panuntunan ng Civil Service Commission (CSC).