Saturday, May 18, 2024

Panukalang pag-take over sa mga pribadong kompanya ni Duterte hindi pahihintulutan ng Senado — Sotto

- Advertisement -

Hindi pa hihintulutan ng Senado si Pang. Rodrigo Duterte nai-take over ang mga pribadong kumpanya.

Ito ay matapos na hilingin ni Pang. Duterte sa kongreso na bigyan siya ng special powers upang mas matugunan ang pangangailangan ng bansa sa gitna ng coronavirus outbreak (COVID-19).

Sinabi ni Sotto, walang katotohanan na umaapela ang Pangulo ng emergency powers sa kongreso, bagkus, sa isang unnumbered bill na sinertipikahan bilang urgent bill ng Pangulo nanghihingi ito ng kapangyarihan na i-take over ang mga negosyo sa bansa.

Aniya, hinding-hindi ito makalulusot sa senado at haharangin nila ang anumang panukala hinggil dito.

Paliwanag ni Sotto, nakasaad kasi sa nasabing panukala na magiging otorisado ang Pangulo na magkaroon ng kapangyarihan para sa maayos na pagpapatupad ng anumang national policy para labanan ang COVID-19.

Kabilang sa kapangyarihan na ito ay ang pangangasiwa o ang pansamantalang pag-take over sa mga privately-owned public utility o anumang pribadong negosyo na naapektuhan ng COVID-19.

Matatandaang una nang isinailalim ng Pangulong Duterte ang buong rehiyon ng Luzon sa enhanced community quarantine para mabawasan at malimitahan ang paggalaw ng mga residente sa Luzon, kung saan naitala ang mayorya ng mga nagpositibo sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -