Mga delivery ng mga cargos tuloy pa rin —PCG

0
18

Tiniyak ng Phil. Coast Guard (PCG) na magpapatuloy pa rin ang delivery ng mga cargo’s, sa kabila ng mas mahigpit na pagbabantay ng mga otoridad dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, tumatalima ang PCG sa alituntuning ipinatutupad ng inter agency task force (IATF) para sa COVID-19.

Aniya, makasisiguro ang publiko na hindi maantala ang mga cargo vessels na nag-hahatid ng mga suplay.

Matatandaang sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon, nag lagay ng checkpoint ang pamahalaan sa bawat border ng mga lugar upang masuri ang mga indibidwal na lumalabas at pumapasok sa mga komunidad.