ML victims ipinanawagan ang agarang pagdakip kay Gng. Marcos kaugnay sa kasong graft

0
39

Sumugod sa tanggapan ng Sandiganbayan ang mga biktima ng martial law upang ipanawagan ang agarang pagdakip kay dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos para sa kasong graft.

Kabilang sa mga nangalampag ay ang ilang biktima ng batas militar na nasa edad 60 hanggang 70 anyos, grupong Bayan Muna, Selda at Desaparecidos.

Hindi rin pinalagpas ng ilang demonstrador ang tila umano pangungundisyon sa isipan ng taumbayan ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na nakakaawa si Marcos dahil sa edad at estado ng kalusugan nito.

Magugunitang sinabi ni Albayalde na kanilang ikukunsidera ang edad at kalagayan ng dating unang ginang sa oras na ipaaresto ito.