Panukalang maparusahan ang mga fraternity recruits na pumayag na sumailalim sa hazing isinusulong

Panukalang maparusahan ang mga fraternity recruits na pumayag na sumailalim sa hazing isinusulong

by Powered by DWIZ
0 comment 10 views

Isinusulong na ngayon sa Kamara ang panukala na naglalayong maparusahan ang mga fraternity recruits na pumayag na sumailalim sa hazing.

Sa ilalim ng House Bill Number 5248 na inihain ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles, nakasaad na dapat mabigyan din ng parusa ang sino mang papayag sa ano mang paraan ng hazing.

Paliwanag nito, wala kasing magiging biktima ng hazing kung walang pumapayag na gawin ito sa kanila.

Dagdag pa nito, ang mga indibidwal kasing sumailalim sa hazing ang kalaunang nanakit kaya’t nagkakaroon ng serye ng karahasan.

Nakasaad pa sa panukala na ituturing ng kasabwat sa hazing ang mga recruits, neophytes at mga miyembro ng fraternities, sororities at iba pang organisasyon na sadyang makikibahagi sa hazing.

Kaugnay nito, pahihintulutan din na maging state witness ang mga biktima para matigil na ang “conspiracy of silence” sa mga nasa likod ng hazing.

Samantala, ang mahahatulang accomplice o kasabwat sa hazing ay mahaharap sa parusang reclusion temporal o pagkakulong ng hindi bababa sa 12 taon at hindi lalampas ng hanggang 20 taon.

0 comment

Related Posts