Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong ‘Quiel’ sumampa na sa 4

Bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong ‘Quiel’ sumampa na sa 4

by Powered by DWIZ
0 comment 9 views

Sumampa na sa apat ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na nararanasang pag-ulan at pagbaha sa maraming bayan sa Cagayan.

Ito ay batay sa ulat na inilabas ng Cagayan Provincial Office kung saan maliban sa apat na nasawi ay mayroon pang isang nawawala.

Aabot din sa 5,400 pamilya o katumbas ng 22,000 indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha sa 11 munisipalidad sa Cagayan.

Sa ngayon, nasa kabuuang 7,328 pamilya pa rin ang nanatili sa mga evacuation centers sa lugar.

0 comment

Related Posts