2 lalawigan isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong ‘Quiel’

2 lalawigan isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong ‘Quiel’

by Powered by DWIZ
0 comment 10 views

Isinailalim na sa state of calamity ang buong lalawigan ng Cagayan dahil sa nararanasang malawakang pagbaha sa lugar.

Ito ay bunsod ng walang tigil na pag-ulan na dulot ng bagyong ‘Quiel’ kung saan lubog na sa baha ang ilang lugar sa nasabing lalawigan partikular na ang hilagang munisipalidad sa lugar.

Ginawa ang deklarasyon matapos ang special session na isinagawa ng sangguniang panlalawigan, kahapon at bunsod na rin ng kahilingan ni Cagayan Gov. Manuel Mamba sa provincial board na agarang isailalim sa state of calamity ang Cagayan.

Sa ngayon ayon kay Mamba, matinding pinsala na ang naidulot ng pagbaha sa sektor ng agrikultura, imprastraktura at kabuhayan sa lugar.

Samantala, isinailalim narin sa state of calamity ang lalawigan ng Apayao dahil pa rin sa pagbahang dulot ng typhoon ‘Quiel’.

Ayon kay Apayao Vice Governor Remy Albano, napag desisyunan ng provincial board sa lalawigan na ideklara ang state of calamity dahil sa pinsalang dulot ng mga pagbaha gaya na lamang ng putol na linya ng kuryente at komunikasyon sa malaking bahagi ng probinsiya.

Gayunman, patuloy pa rin naman inaalam ng mga otoridad ang kabuuang halaga ng pinsala sa lalawigan dahil marami pa ring kalsada ang sarado bunsod ng landslides.

0 comment

Related Posts