Panukalang mabigyan ng emergency powers si Duterte isang magandang hakbang —Malakanyang

0
19

Itinuturing ng Palasyo ng Malacañang na isang magandang hakbang ang panukalang mabigyan ng emergency powers si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kaugnay ng panukalang isinumite ni Cong. Joey Salceda kung saan layon nitong mabigyan ng emergency powers ang pangulo para mapadali ang implementasyon ng “Build, Build, Build” Program.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malaking tulong ang emergency powers lalo na’t sa usaping “road right of way” na pangunahing balakid sa pagsasagawa ng mga kalsada.

Aniya, may mga insidente kasing hindi natutuloy ang mga proyekto dahil sa mga inilalabas na TRO o Temporary Restraining Order ng korte.

Umaasa si Panelo na kapag napagkalooban ang pangulo ng emergency powers ay posibleng makamit ang layunin na matapos ang mga proyekto sa ilalim ng “Build, Build, Build” bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.

“Sa tingin ko maganda yung kay Cong, Salceda kasi nga one of the reasons why bumabagal yung projects kasi yung right of way. Nagkakaproblema yung mga owners, ayaw pumayag. Yung iba nag t- TRO pero kung may powers na, dire-diretso ang trabaho,” ani Panelo.