NCRPO isasailalim sa full alert status para sa darating na 2019 SEA Games

0
13

Isasailalim sa full alert status ang buong pwersa ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa darating na November 25 hanggang December 14, para sa 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay NCRPO Chief Police Brig. Gen. Debold Sinas, nasa 8,000 pulis ang kanilang ipakakalat upang tiyakin ang kaligtasan sa mga lugar na pagdarausan ng palaro.

Pormal na magbubukas ang SEA Games sa November 30 kung saan gaganapin ang mga kompetisyon sa Metro Manila, Subic at iba pa.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Sinas na wala namang banta sa seguridad hinggil sa magaganap na SEA Games.