Alok na tulong ng U.S sa war on drugs welcome kay Sen. Bong Go

0
16

Welcome kay Senator Christopher “Bong” Go ang alok na tulong ng Estados Unidos sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Kaugnay ito ng pahayag ni Vice President at ICAD Co-chairperson Leni Robredo na handa ang Amerika na tumulong sa intelligence gathering sa war on drugs.

Ayon kay Go, wala siyang nakikitang mali sa hakbang na ito lalo na’t prayoridad ng pamahalaan na sugpuin ang illegal drugs sa bansa.

Matatandaang, kamakailan lamang nang makipag pulong si Robredo sa mga opisyal ng Estados Unidos para sa posibleng pagtutulungan ng pamahalaan at ng Amerika para labanan ang illegal drugs.

“Kung tutulong po ang US. sa kanilang intelligence gathering or sa research, why not? Ang importante po dito, wala pong madagdagan na inosente na magiging biktima ng iligal na droga. Uulitin ko, hindi po madadala ito sa storya lang. Dapat dito talagang hardline stance pa rito. Matigas ka rito pag labanan mo yung iligal na droga,” ani Bong Go.