Panukalang libreng annual medical checkup aprubado na sa Kongreso

0
13

Aprubado na ang panukalang batas na magbibigay ng libreng annual medical checkup para sa mga Pilipino.

Ito ay matapos na lumusot sa House Committee on Health ang House Bill 4093 na o ang free annual medical checkup.

Ayon kay Anakalusugan Party List Representative Mike Defensor, ang may akda ng naturang panukala na nasa ilalim ng ipinasang Universal Health Care (UHC) Law.

Sinabi ni Defensor na kabilang sa mga aspetong tinutukan ng primary health care ay ang mga preventive measures upang matiyak ang kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino.

Sa inisyal na bersyon ng naturang panukala nakasaad na dapat mabigyan ng annual checkup ang mga Pilipino kabilang na ang diagnostic at laboratory tests  na complete blood count (CBC), urinalysis, stool analysis, chest x-ray at complete physical exam.

Gayunman, matapos ang naging deliberasyon ng technical working group ay nilimitahan na lamang ang CBC sa blood sugar at cholesterol level, ngunit posible naman itong palawigin pa depende sa kapasidad ng PhilHealth.