- Advertisement -
Hindi pa tiyak kung magagamit na sa Disyembre ang bakunang ginawa ng Russia kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi pa masasabi kung maari nang magamit sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine ng Russia dahil nasa phase 3 pa lamang ito ng clinical trials.
Sinabi ni Vergeire, kailangan munang tapusin ang phase 3 clinical trials at kailangan muna itong dumaan sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA).
Matatandaang nito lamang Martes ng pormal na i-anunsiyo ni Russian President Vladmir Putin na ang Russia ang kauna-unahang bansa na nakagawa ng bakuna kontra COVID-19 na Sputnik V.
- Advertisement -