Mga nagpositibo sa COVID-19 sa mababang kapulungan nasa 42 na

0
17

Sumampa na sa 42 ang bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) mula sa mababang kapulungan ng kongreso.

Ito mismo ang kinumpirma ni House Secretary Jose Luis Montales matapos na magpositibo ang dalawang congressional staff.

Sinabi ni Montales na isa sa dalawang bagong positibong kaso ng COVID-19 ay mula sa House Committee on Rules na huli pang pumasok noong Hulyo 20 hanggang Agosto 5.

Dagdag pa ni Montales nakaranas din ng kawalan ng pang-amoy ang naturang empleyado at kawalan ng panlasa.

Samantala, asymptomatic naman ang isang empleyado na mula sa grounds maintenance group.

Matatandaang nito lamang Lunes ng masawi si Senior Citizens Partylist Representative Francisco ‘Jun’ Datol Jr. dahil rin sa COVID-19.