Wednesday, May 8, 2024

Panukalang excise tax sa alak at vape sinertipikahan bilang ‘urgent’ ni Duterte

- Advertisement -

Sinertipikahan na bilang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magpapataw ng mas mataas na buwis sa alak at electronic cigarettes.

Sa liham na ipinadala ng pangulo sa Kongreso, nakasaad na ang hakbang ito ay upang makalikom ang pamahalaan ng sapat na pondo para sa Universal Health Care (UHC) Law.

Ayon pa sa pangulo, ito rin ay para sa epektibong implementasyon ng UHC law, gayundin ay upang maprotektahan ang karapatan ng publiko sa maayos na kalusugan.

Target naman ng panukalang ito na makalikom ng P47.8-billion para sa kakulangang P59.1-billion na pondo para sa UHC.

Layon din ng panukala na mapababa ang bilang ng mga gumagamit ng e-cigarettes at vape partikular na sa kabataan.

Sa oras na masertipikahan ang isang  panukala bilang ‘urgent’, hindi na nito kailangan sumailalim sa ‘three-day layover rule’ matapos na maipasa sa ikalawang pagbasa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img