Mga gumaganang escalator ng MRT-3 unti-unting nadadagdagan —DOTr

0
15

Nadagdagan pa ang mga gumaganang escalator ng MRT-3.

Ipinabatid ito ng Department of Transportation (DOTr) kung saan 34 na mula sa 46 na escalators ng MRT-3 ang fully operational na.

Ayon sa DOTr, pinakahuli sa mga naayos ng Sumitomo MHI-TESP ang dalawang escalator sa Southbound ng Boni station at Southbound ng Ayala station.

Target ng Sumitomo na gumana ang lahat ng escalators ngayong taon na ilang buwang mas maaga sa orihinal na deadline nang pagsasaayos ng escalators gayundin ng elevators.