Tuesday, May 7, 2024

Panukalang bigyang proteksyon ang mga guro muling ihahain sa Kongreso

- Advertisement -

Muling ihahain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga guro sa bansa.

Ito ay kasunod ng isang kaso ng guro na inireklamo at hiniling na tanggalan ng lisensya sa isang TV/radio program matapos palabasin nito sa klase ang isang estudyante.

Ayon kay Deputy Majority Leader at Biñan Representative Marlyn Alonte, ang panukalang Teacher Protection Act ay hindi napirmahan ni Pangulong Duterte noong 17th congress dahil sa kakapusan sa oras.

Aniya, nakapailalim dito ang probisyong magbibigay mandato sa Department of Education (DepEd) na bigyan ng libreng serbisyong legal para maipagtanggol nila ang kanilang sarili.

Samantala, titiyakin namang idadaan sa proseso at poprotektahan laban sa mga publicity trial ang mga estudyante o guro na mahaharap sa isang reklamo o kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img