Panukalang amyendahan ang comprehensive firearms law tiwalang lulusot — Dela Rosa

0
15

Tiwala si Senator Ronald Dela Rosa na maaayos na ang problema sa loose firearms oras na makalusot ang kanyang isinusulong na pag amyenda sa comprehensive firearms law of 2013.

Ayon sa senador, marami na ang nag mamay-ari ng baril na hindi na nagpaparehistro dahil sa maiksing validity period marahil narin sa kinakalangang maraming dokumento.

Aniya, kanya pang palalawigin at gawing limang taon mula sa kasalukuyang apat na taon ang validity period ng pagrerehistro.

Nais rin ni Dela Rosa na ire-new ang petsa ng mga lisensya batay sa kaarawan ng mga gun owner.

Samantala, nakasaad rin sa isinusulong na pag amyenda ang gagawing dalawang taon ang bisa ng permit to carry forearms outside residence.