PNP handang sumunod sa PDEA hinggil sa ‘access’ na hiling ni Robredo sa high value target drug list

0
25

Nakahandang tumalima ang Philippine National Police (PNP) anuman ang desisyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kahilingan ni Vice President Leni Robredo na magkaroon ng access sa high value target drug list.

Ayon kay PNP officer-in-charge (OIC) General Archie Gamboa, ang PDEA ang pinuno sa law enforcement cluster ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) at miyembro lamang ang PNP kayat handa silang sumunod sa pasya ng kanilang lider.

Iginiit ni Gamboa na mas makabubuti kung tutukan na lamang ni Robredo ang aspeto ng adbokasiya at rehabilitasyon sa giyera kontra droga.