Robredo hindi na kinakailangang pagsabihan ni Duterte — Pangilinan

0
21

Hindi kinakailangan pagsabihan o pagbantaan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo.

Ito ang inihayag ni Senator Kiko Pangilinan matapos pagbantaan ng Pangulo na tatanggalin nito si Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kapag isinapubliko nito ang classified information na may ugnayan sa war on drugs.

Aniya, pinawi na ng Bise Presidente ang pangambang kanyang isisiwalat ang mga classified information ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan marahil hindi niya isasapubliko ang mga sensitibong impormasyon na ikakapahamak ng seguridad sa bansa. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)