Panukalang 2020 national budget maaaprubahan bago sumapit ang pasko — Sotto

0
17

Maipapasa sa tamang panahon ang panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Ito ang binigyang diin ni Senate President Vicente Sotto III, kung saan ibinida nitong maaaprubahan ang 4.1 trillion pesos na budget bago sumapit ang araw ng pasko.

Ayon kay Sotto, natalakay na nila sa Senado na dapat maipasa ang 2020 proposed national budget bago sumapit ang Disyembre 20.

Aniya, naplantsa at natalakay na rin nila ang lahat ng isyu ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno hinggil sa budget.

Dagdag pa ni Sotto, inaasahan na sa unang linggo ng Disyembre ay mahihimay na ng Bicameral Conference Committee ang 2020 proposed national budget.