Sunday, May 5, 2024

Duterte kumbinsidong napahinto ni Quiboloy ang nangyaring malakas na lindol sa Mindanao

- Advertisement -

Kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na talagang napahinto ni Pastor Apollo Quiboloy ang malakas na lindol na tumama sa Mindanao.

Ito ay kaugnay ng tumamang magnitude 6.6 na pagyanig sa ilang bahagi ng Mindanao nito lamang Oktubre 29 kung saan sinabi ni Quiboloy na pinahinto niya ang nasabing pagyanig.

Ayon kay Pangulong Duterte, hiling niyang magkaroon din ng kaparehong kapangyarihan upang matuldukan na ang korapsyon sa bansa.

Matatandaang, tatlong malalakas na pagyanig ang tumama sa Mindanao kung saan hindi bababa sa 16 katao ang naitalang nasawi habang nasa libu-libo naman ang naapektuhan.

“Kung may power lang ako…. I believe in Pastor Quiboloy. When he said that “stop”, eh kung nag stop eh di what’s the trouble? He said ‘Stop it!’ Kung nagkataon talaga na nag stop eh di…. Eh if I only have that power para doon sa mga kurakot para mag stop,” ani Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img