33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Klase sa Angeles City, Pampanga suspendido bunsod ng nalalapit na 2019 SEA Games

- Advertisement -

Suspendido ang klase sa Angeles City, Pampanga bunsod ng nalalapit na 2019 Southeast Asian Games.

Sa inilabas na memorandum ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin, limang araw na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod, mula December 2 hanggang December 6.

Habang wala ring pasok ang mga empleyado ng mga pampublikong paaralan sa lugar.

Paliwanag ni Lazatin, ang hakbang na ito ay bilang pag suporta sa mga atletang Pinoy na sasabak sa SEA Games kung saan marami sa mga sporting events ang gaganapin sa Angeles City at Clark Freeport Zone.

Magbubukas ang 30th SEA Games sa darating na Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -