Senado at Kamara hindi pa rin nagkasundo sa usapin ng national budget matapos ng pulong

0
45

Itinuturing nina Senador Panfilo Lacson at Albay Representative Edcel Lagman na “working in progress” pa ang naging pag-uusap ng ilang miyembro ng Senado at Kamara hinggil sa panukalang 2019 national budget.

Ito ay makaraang hindi pa rin natuldukan ng dalawang kapulungan ng kongreso ang mga hindi pagkakaunawan sa pambansang budget matapos ang tatlong oras na pagpupulong kaninang umaga.

Ayon kay Lagman, kinakailangan pang ipaabot ng mga dumalong miyembro ng Kamara at Senado kina House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Senate President Vicente Sotto the third ang napag-usapan sa pulong.

Kaugnay nito, muling nagtakda ng pulong ang mga kinatawan ng dalawang kapulungan, ala 7:00 ng gabi bukas.

Gayunman, tiwala si Lagman na mareresolba na ng Kamara at Senado ang usapin sa pambansang budget para maabot ang kanilang target na maisumite sa Malakanyang ang panukala ngayong linggo.

(with report from Cely Ortega- Bueno)