33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Panibagong bugso ng HIV infections sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa ibinabala

- Advertisement -

Ibinabala ng Joint United Nations Programme on HIVS/AIDS (UNAIDS) ang posibleng paglaganap ng panibagong bugso ng HIV (human immunodeficiency virus) infections kung magpapatuloy ang pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito, ayon sa UNAIDS, ay kung patuloy na makasasagabal ang COVID-19 pandemic sa medical resources ng bansa gaya na lamang ng testing at iba pang serbisyo nito sa paggamot.

Samantala, sinabi naman ng grupong LoveYourself Inc. na patuloy ang pamimigay nila ng libreng gamot para sa mga HIV/AIDS survivor sa kabila ng umiiral na lockdown sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ikinababahala rin ng naturang grupo ang paghinto ng isinasagawang HIV testing dahil na rin sa lockdown, kung saan posible umanong marami nang mga Pinoy ang hindi nakapagpapasuri nito sa loob ng apat na buwan.

Magugunita namang tiniyak ng Department of Health (DOH) na sapat ang suplay ng antiretroviral medicines para sa HIV sa bansa hanggang sa susunod na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -