Panibagong 15 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa naitala

0
18

Naitala pa sa bansa ang panibagong 15 kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), sumampa na sa kabuuang 217 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Gayunman, nananatili naman sa 17 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa virus.

Kaugnay nito, iniulat din ng DOH na patuloy ring tumataas ang bilang ng mga pasyenteng nakare-recover sa virus kung saan sumampa na sa walo ang mga pasyenteng bumuti ang kundisyon.

Samantala, nilinaw naman ng kagawaran ang ulat hinggil sa pagkasawi ni patient number 57 kung saan igiiit ng DOH na isa itong residente ng Bulacan, taliwas sa unang ulat na isa itong residente ng Pasig City.