Valenzuela City naitala ang unang kaso ng COVID-19

0
15

Naitala na ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ng Valenzuela.

Ito ay matapos na kumpirmahin mismo ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Valenzuela na nag positibo sa COVID-19 ang isang 34 anyos na babae na mayroong travel history sa Malaysia.

Batay sa report, nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang nasabing pasyente kagaya na lamang ng lagnat, ubo at sipon.

Sa ngayon, isinailalim na sa mahigpit na home quarantine ang naturang pasyente batay na rin alituntunin ng Dept. of Health (DOH).

Kaugnay nito, itinayo na rin naman sa lungsod ang mga isolation centers para matugunan ang pangangailangan ng publiko hinggil sa COVID-19 – crisis.

Samantala, ikinasa na rin naman ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang contact tracing sa mga posibleng nakasalamuha ng nasabing pasyente upang maagapan ang pagkalat ng virus sa lungsod.